^

Pang Movies

Sen. Jinggoy pagod na sa pinagdadaanan, anak na si Janella umaming nakakaranas ng pangbu-bully

- Vinia Vivar - Pang-masa

Naawa naman kami kay Janella Estrada (pa­nga­nay na anak ni Sen. Jinggoy Estrada) nang ipagtapat niya sa Showbiz Police ng TV5 sa segment na Cornered by Cristy ni Cristy Fermin na noon pa siya nakakaranas ng pangbu-bully mula sa kanyang mga kaklase.  

“Nung una pong nagkaroon ng isyu, na nakulong ’yung lolo (Manila Mayor Joseph Estrada) at daddy ko po, sa school po, lagi po akong binu-bully.

“’Di ko po ito sinasabi sa parents ko. Ako lang talaga ’yung humaharap sa kanila. Grade school pa lang ako nun eh.

“’Yun’ yung time na hindi pa ako marunong lumaban. Every time na papasok ako ng school, tahimik lang ako.

“Minsan, kapag breaktime namin, magla-lunch kami, ’yung lunch box ko nasa harap ko. Nagtatago ako dun habang kumakain kasi lahat ng taong dumadaan, ang daming sinasabi. Ganito raw ang tatay ko, ganito raw ang lolo ko, gano’n,” pahayag ni Janella.

May insidente pa nga raw na tinisod siya sa hagdan ng isang senior student at nadapa siya.

Ngayong may social media na, mas lalo pa raw lumala ang pangbu-bully sa kanila.

“Sa Instagram po ’to, sabi po, ‘Paglaki mo, para ka ring tatay mo, corrupt ka rin.’ Ganun,” sabi ni Janella. “Kasi nga po, di ba, since public ser­vant na rin po ako, parang sa akin na po binabato ang lahat?”

Maging ang pitong taong gulang    niyang kapatid na si Jill ay ganito rin ang nararanasan.

“May nag-post sa FB (Facebook) na isang matandang lalaki na si Jill nga raw po dinadala ang phone sa school, ’tapos sabi nga raw po ng mga classmate niya, kung puwede raw po – ng mga classmates niya — na hiramin ’yung phone kasi nga pera rin daw nila ’yun.

“Pero po nung lumabas ’yung isyu na ’yun, tinanong po ni mommy si Jill. Sabi po ni Jill, hindi po niya dinadala (ang cell phone) at nasa kotse lang daw po,” sabi ni Janella.

Nakaka-touch din ang kuwento ng konsehala ng San Juan City tungkol sa naging pag-uusap nila ng ama sa problemang dinadaanan nito ngayon.

“Actually, pumunta po siya sa kuwarto ko, niyakap niya ko. Sabi po niya na pagod na raw po siya. Naiiyak ako. Sorry,” emosyonal na kuwento ni Janella.

“Niyakap niya po ako kasi hindi naman po siya ganun. Pagod na raw po siya sa mga isyu na nariri­nig niya na hindi naman totoo… masyado na po   silang sinisira lalo na ng social media.”

Inamin naman ni Janella na kaibigan ng pamilya nila si Janet Lim-Napoles at nakilala niya ito sa pamamagitan ng kanyang inang si Precy Ejercito.

Sa tanong ni Nanay Cristy kung kakayanin ba nila na makulong ang kanyang ama, napakahirap daw nito para sa kanila.

“Sa totoo lang po, mahirap po para sa amin kung mangyari po ulit ’yun pero siguro naman po lalabas at lalabas rin naman po ’yung katotohanan.

“Kaya ngayon po, nagdadasal na lang po kami, na sana po hindi na mangyari ’yung nangyari po sa amin dati kasi po, napakahirap po sa pamilya namin na pagdaanan po ulit ’yun,” dagdag pa ng dalaga.

Ang mensahe lang ni Janella sa mga taong humuhusga sa kanila, sana raw ay huwag munang magsalita lalo na kung hearsay lang naman ang mga nakakarating na balita.

vuukle comment

AKO

CRISTY FERMIN

JANELLA

JANELLA ESTRADA

JANET LIM-NAPOLES

LANG

NIYA

RAW

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with