^

Pang Movies

Sikat na showbiz personality na mahilig mamigay ng mamahaling regalo sa mga kaibigan, pero pinagdadamutan sa suweldo ang mga tauhan

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sikat ang showbiz personality sa kanyang pagi­ging mapagbigay ng mga mamahaling regalo sa kanyang mga kaibigan. Lampas pa sa langit ang generosity niya to his close friends.

Sa tuwing nadadiyaryo ang kanyang expensive gift to friends, lalong nalulungkot ang kanyang mga empleyado. Kahit kasi ang suweldo ng mga taong matatagal nang naglilingkod sa kanya, hindi man lang naumentuhan. Kapag Pasko, hindi man lang sumusobra sa 13th month pay ang bigay sa kanila. Wala ang expected bonus o ang pakunsuwelong pasobra sa tinakda ng batas!

‘‘Akala lang ng publiko masarap ang maging empleyado niya,’’ sumbong ng kanyang sekretarya na nagtitiyaga lang dahil mahirap maghanap ng trabaho.

Sexy starlet nilayasan ng na-take home na lalaki, amoy sa katawan ’di natagalan

Biglang eskapo sa pad ng sexy starlet ang na-take home niyang pogi sa isang bar. Dahil super lasing ang aktres, hindi niya namalayan na nilayasan na siya ng kanyang take-home partner.

Ang reklamo ng bayarang guy na regular sa watering hole na ’yon, hindi niya matagalan ang umalingasaw na masamang amoy sa katawan ng sexy. Obvious na hindi siya nakapaligo ng ilang araw.

Nataranta ang artista at naghinalang baka ninakawan pa siya bago nagtatakbo si pogi. Nag-check siya ng cell phone, ipad, at iba pang gamit. Kumpleto naman lahat dahil hindi eres tu (kawatan) ang naiuwi niya. Suwerte pa rin si sexy at hindi nagsamantala sa kanyang pagkalango ang menchu.

Juday papalitan ni Kathryn

Ang Got to Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang papalit sa mababakanteng timeslot ng Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos.

Say ng mga showbiz observer, higit na masakit ito para kay Juday dahil tumulong siyang mag-promote ng bagong Mara Clara na bida sina Kathryn at Julia Montes.

Pareho ng nasa ere ang Muling Buksan ang Puso na kasama sina Enrique Gil at Julia at ang Got to Believe na karibal nilang tandem na Daniel at Kathryn. Malalaman na natin kung sino talaga sa dalawang pareha ang may higit na TV audience share.

Super Sireyna winner naungusan na ng iba

Tinitiyak ng Super Sireyna winner na si Francine Garcia na siya ay papasok sa showbiz. Ambisyon niya na maging unang transsexual na sumikat mag-artista.

Nahuli ka na, ’Day. Naunahan ka ng tulad mo na si Mimi Juareza, bida sa indie film na Quick Change. Si Mimi ang tinanghal na best actor sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival Awards Night. After his initial triumph, naghihintay na siya ng bagong movie assignment. Posible rin sa kanya na maging regular sa teledrama.

Malay natin kung may nakahandang important role for Mimi sa My Husband’s Lover.

Kapapasok lang ni Rodjun Cruz (kapatid ni Rayver) sa gay soap, as Dennis Trillo’s new lover.

Charice ginawang kontrabida ang ina

Kahit hindi man lang niya sinubukan, sinabi na ni Charice Pempengco na hindi papayag ang kanyang Mama Raquel na isadula ang buhay nila sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Sino ba namang nanay ang magbibigay ng permiso na ibuyangyang sa publiko ang dapat na tinatago nilang lihim? Baka sigurado si Racquel na she will be placed in a bad light sa salaysay mula kay Charice. Na siyempre siya ang bida sa palabas. Okay lang ba na maging kontrabida ang kanyang sariling ina?

 

vuukle comment

ANG GOT

CHARICE

KANYANG

KATHRYN

LANG

SUPER SIREYNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with