^

Pang Movies

Totoo na, wala nang urungan ang paglipat sa singko Ogie nagpaalam na sa mga bossing ng GMA!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totoo na ito! Nagpaalam na last Friday, July 19, si Ogie Alcasid sa mga top exe­cutives ng GMA Network, dahil iiwan na niya nang tuluyan ang network na naging tahanan niya ng maraming taon.  Dumaan din siya sa iba’t ibang department para magpaalam at magpasalamat.

  Any day this week ay pipirma na ng contract si Ogie sa TV5. Susundan na ito ng story conference ng una niyang project sa Kapatid Network, ang family drama na may tentative title na The Gift. Ila-line produce ito ng APT Entertainment for TV5 at ididirek ni Mike Tuviera.

Dingdong hindi na nagulat na ‘Buntis’ si Marian

Na-miss din pala nina Dingdong Dantes at ­Marian Rivera ang magkasamang mag—show para sa GMA Regional TV. Huli pa raw nila ay noong ginagawa pa nila ang drama series nilang My Beloved. Last Saturday, muli silang nagkasama sa GMA Sublian Festival sa Batangas City Sports Center Coliseum. Whole day event ito na tampok ang lahat ng mga Kapuso stars sa Meet & Greet with the fans. Last na nag-perform sina Dingdong at Marian na wala nang nagawa ang security na pigilan ang mga fans nang bumaba na sila at napuno na ang orchestra para makita nila nang malapitan ang dalawa.

Bago nag-appear on stage, nakausap muna ng ilang invited entertainment press sina Dingdong at Marian. Binati si Dingdong sa sunud-sunod na pagwawagi ng girlfriend ng awards, like ang FHM Sexiest at last Friday, ang panalo niya as Celebrity of the Year mula sa OMG! Yahoo Awards. Biro ni Dingdong, since day one, alam na niyang number one si Marian, natagalan nga raw lamang ang Pilipinas na i-recognize nila ang girlfriend.

Sa issue na buntis si Marian, hindi na raw siya nagulat dahil matagal nang iniisyu iyon kay Marian, if true it’s a blessing pero hindi naman totoo. Tinawanan na lamang ni Marian ang issue dahil lumabas iyon after niyang rumampa sa FHM. Pitong taon na raw na pare-pareho ang issue sa kanya: maldita, suplada, buntis, wala na raw bang iba? Pero kung totoo siyang buntis, hindi raw niya ipagkakaila at magiging proud pa siya dahil a child is a blessing, pero focus muna sila ni Dingdong sa work nila.

At ang balitang lilipat sila ng ibang network? Matatapos sila ng contract nila sa GMA, pero tuloy pa rin si Dingdong, proof nito ay ang bago niyang sci-fi drama series na Genesis. Si Marian, nakita raw ka-dinner ang ilang top guns ng isang network, pero sabi niya, nakipagkilala lamang siya pero masaya raw siya sa GMA.  May pinirmahan ngang tarpaulin ang lahat ng mga Kapuso stars na nag-participate sa Sublian Festival, si Dingdong, post niya, “Carry on, Kapuso!” si Marian, “Proud to be Kapuso!”

vuukle comment

BATANGAS CITY SPORTS CENTER COLISEUM

CELEBRITY OF THE YEAR

DINGDONG

DINGDONG DANTES

KAPUSO

MARIAN

RAW

SUBLIAN FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with