^

Pang Movies

Sexy actress na inalok ibugaw, nanghabol ng saksak

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Akala ng isang fashion designer (daw!), lalakas muli ang kanyang sideline na pagbubugaloo (pagbubugaw) dahil maraming magaganda na walang trabaho sa showbiz.

Kaya lang muntik na siyang habulin ng kutsilyo ng isang sexy actress nang sabihin sa kanya ng baklesh na, ‘‘Name your price.’’

Gusto raw talagang matikman ng over the hill businessman ang artista bago siya pumanaw!

Kinatkat ng mura ng artista ang boogie-woogie at hinabol pa ng saksak ang bading na nagtatakbong tumakas.

Masipag pa namang magnegosyo ng legal, para kumita kapag walang pelikula ang aktres, na akala ng bugaw ay naglalako na ng laman dahil walang TV o movie assignment.

Maxene masaya nang makipaghiwalay kay Renz

Masayang-masaya pa si Maxene Magalona pagkatapos ng breakup nila ni Renz Fernandez. Hindi naman siya natuwa dahil naghiwalay sila ng anak nina Lorna Tolentino at the late Rudy Fernandez. Masaya lang siya sa kanyang independence, at maari niyang gawin ang mga trabaho niya, na wala nang pangambang baka may pumigil sa kanya.

Si Renz naman ay mukhang walang problema ngayon. Maraming mga pangalan ang sinasabing nakaka-date niya pero wala pa siyang matukoy na seryosong relasyon.

Tumagal naman kaya ang pagiging single ni Maxene? Meron kasi tayong kilalang female show­biz personalities na hindi maka-emote ng husto sa kanilang mga teledrama o pelikula, o hindi makakanta, kapag walang pag-ibig.

Angelica pinagdududahang sisiraan din si John Lloyd oras na maghiwalay sila

Noon una naming narinig at nabasa sa ipinahayag ni Angelica Panganiban ang mga pagkukulang ni Derek Ramsay, nalungkot kami. Maraming taon kasi ang kanilang pagsasama, na ang kulang na lang ay kasal, bakit ngayon lang siya nag-ingay?

Ibig sabihin, matagal siyang nagtiis o nagdusa sa piling ni Derek? All those years na boyfriend niya ang aktor, maligayang-maligaya at mukha naman siyang blooming na palaging nadidiligan!

Sana hindi nagdududa sa kanya si John Lloyd Cruz na baka kapag naghiwalay sila ni Angelica ay gawin din ng aktres na ilabas ang mga hindi niya nagustuhan kay Loydie tulad ng mga reklamo niya kay Derek.

Jennylyn, ‘very active’ kaya mukhang hindi na kumakain

Natawa lang si Jennylyn Mercado nang tanungin kung kumakain pa siya. Dahil very slim and sexy ang bida sa The Bride and The Lover ng Regal Entertainment, Inc. nag-aakala tuloy kami na grabe ang pagda-diet niya.

‘‘Tao rin naman ako at kailangan ng food to nourish my body,’’ agad na tugon ni Jen. ‘‘Kaya lang I’m really very active kaya madali kong ma-burn ang calories.”

Sa tinuran niyang very active, baka kung ano na naman ang isipin ninyo. Aktibo ang sexy actress sa sports, particularly sa triathlon. Tatlo ang disiplina sa larong ito kaya’t very demanding — swimming, biking, and running.

Say ni Jen, higit siyang mahusay mag-bike pero panlaban din naman siya sa takbuhan at paglangoy.

Ganda ng Ilocos Norte ipinakita sa apat na oras na pelikula ni Lav Diaz

Ang Norte: Hangganan ng Kasaysayan, apat na oras na pelikula ni Lav Diaz, ay kinunan ng buo sa Ilocos Norte. Tulad ng Death March ni Adolf Alix, Jr. Ialok ang dalawang pelikula sa Un Certain Regard section ng 66th Cannes International Film Festival. Kasali sa competition ang dalawang Pinoy indie films.

Norte: Hangganan ng Kasaysayan ay ipinakita ang kagandahan ng probinsiya sa Ilocos. Lahat ng mga makakapanood nito sa world’s international film festival ay tiyak na maghahangad mamasyal sa Ilocos Norte. Karamihan sa mga eksena sa Norte, kinunan sa Barangay La Paz, Paoay.

Dingdong libre ang serbisyo kay Magsaysay

Sa mga nagtatanong kung ilang milyon ang ibinayad kay Dingdong Dantes upang magsayaw ng Mambo Magsaysay at ikampanya ang senatorial candidate na si Ramon Magsaysay, Jr., nag-volunteer ang aktor na tumulong ng libre.

Tigilan ang pag-look sa sky. Talagang walang bayad ang ibinibigay na suporta ni Dingdong kay Jun, na anak ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay, ang tinawag sa ating kasaysayan na Kampeon ng Demokrasya.

Sabi nga sa kantang Mambo Magsaysay, ‘‘Our democracy will die, kung wala si Magsaysay.’’ Kaya ipasok muli sa Senado si Jun Magsaysay.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ANG NORTE

ILOCOS NORTE

KAYA

LAV DIAZ

MAMBO MAGSAYSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with