^

Punto Mo

Katawan mo may sinasabi sa iyo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Galaw ng paa.

May isang pag-aaral na ginawa sa University of Manchester na may kinalaman daw ang galaw ng paa sa nararamdaman ng isang babae. Halimbawa, kung kursunada ng babae ang lalaking kausap, hindi niya namamalayan na magkalayo na ang kanyang legs at napapabukaka na siya. Pero kung hindi niya type ang lalaking kausap niya, kadalasan ay naka-cross legs siya o kaya ang puwit niya ay nakasiksik sa corner ng silya.

Posisyon ng pusod.

Ang taong mataas ang posisyon ng pusod ay kadalasang mabilis tumakbo. Samantala, kung mas mababa ang posisyon ng pusod, kadalasan ito ay magaling lumangoy.

Ang sukat ng ‘kuwan’ ng lalaki.

“Kuwan” ang aking ginamit dahil walang tawag o pangalan para sa distansiya ng ilalim ng scrotum hanggang anus. Anyway, ito ang sinusukat para malaman kung may kakayahan ang isang lalaki na makabuntis. Ang standard length daw from scrotum to anus ay dapat umabot ng 2.04 inches ngunit kung mas maikli pa rito, ang ibig sabihin ay”lower sperm counts, poorer quality sperm, lower sperm concentrations and lower motility.” Sa maikling salita, mahihirapang makabuntis.
Mas “attentive” na kausap ang mahirap kaysa mayaman.

Sa isang pag-aaral ng mga psychologist sa University of California, pinag-usap ang magkapares na taong magkaiba ang socioeconomic status. Napansin na ang mayayaman ay mas malikot habang nakikipag-usap, samantalang ang mahihirap ay mas attentive patangu-tango, nakangiti at nagre-react sa sinasabi ng kausap. Ayon sa mga researchers, maaaring dahil ito sa paniniwalang ang may mataas na socioeconomic status ay mas kayang umasa sa sarili, habang ang mahihirap ay mas nagbibigay-halaga sa pakikipagkapwa.

KATAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with