^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kung pini-pressure ka ng isang tao na magdesisyon kaagad, iyon ay sinasadya nila para hindi ka mag-isip na mabuti. Malaki ang tsansa na magkamali ka dahil sa rushed decision at iyon ay magiging malaking advantage sa kanya.

Kapag naramdaman ng manipulator na wala na siyang control sa iyo, iisip yan ng drama na pagmumukhaing siya ang biktima.

Ang overthinking ay lumilikha ng problemang hindi pa nangyayari.

Mas lalo kang maghabol sa isang tao, mas lalo mo lamang pinababa ang halaga ng iyong pagkatao.

Pagtahimik ang most powerful response sa manipulation.

Namamana ng anak ang pagiging manipulator ng kanyang ama o ina.

Ang mga taong nang-iwan ay madalas na bumabalik kapag naka-move on na ang kanyang iniwan.

Ang tunay na ugali ng isang tao ay makikita mo kung paano niya tratuhin ang mga taong mas mababa sa kanya. Huwag mong ipagkatiwala ang iyong boto sa mga pulitikong namamahiya ng kanyang staff sa harap ng publiko.

Mas stress ka, mas gustung-gusto mong kumain ng junk foods.

Mas lalong nakakaramdam ng pagod kapag walang ginagawa dahil ang pagkabagot ay nakakaubos ng energy.

Kung gusto mong magsabi ng totoo ang iyong kausap, tanungin mo siya sa gabi kung kailan siya pagod na pagod. Mawawalan na iyan ng preno sa pagsasalita dahil gusto nang magpahinga at tapusin ang inyong pag-uusap.

PSYCHOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with