^

Punto Mo

‘Non-diminution of benefits’

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Labag po ba sa tinatawag na “non-diminution of benefits” ang pagbabawas ng araw ng trabaho na ginawa ng aming kompanya dahil mahina-hina raw ang kita?

-- Rose

Dear Rose,

Kinilala na ng Supreme Court ang pagbabawas ng oras ng trabaho bilang isang lehitimong polisiya ng employer. Sa Philippine Graphic Arts Inc. v NLRC (G.R. L-80737, 29 September 1988), kinatigan ng Supreme Court ang employer sa ginawa nitong pagbabawas ng oras ng trabaho ng mga empleyado.

Ayon sa SC, ang pagbabawas ng schedule ng trabaho ay maaring gawin kung ang nasabing arrangement ay pansamantala lamang at kung sa pamama­gitan nito ay maiiwasan ang pagtatanggal ng empleyado.

Kaya hindi masasabing labag sa batas ang pagbabawas ng oras ng trabaho sa inyong kompanya lalo na kung ito ay para naman talaga sa kapakanan ng negosyo at hindi naman ito ginawa upang pagmalupitan lamang kayo at labagin ang inyong mga karapatan bilang mga empleyado.

BENEFITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with