^

Punto Mo

Bakit mahaba ang ­buhay ng mga Hapones?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KABILANG ang Japan sa mga bansang may napakalaking bilang ng mga mamamayang mahahaba ang buhay. Malimit na nagmumula sa Japan ang mga naitatalang pinakamatandang tao sa buong mundo sa Guinness Book of Records. Napaulat sa Japan Times, ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan, umaabot na sa 90,526 hanggang noong Setyembre 15, 2022 ang bilang ng mga centenarian na Hapones o mamamayan ng Japan na may edad nang 100 taong gulang o mahigit pa. At paparami nang paparami ang mga centenarian na Hapones. Noong 1963 sa pagsisimula ng statistics dito ay meron silang bilang na 153, nadagdagan ng 1,000 noong 1998, at 50,000 noong 2012.

Hanggang 2021, napaulat na umaabot sa 97,000 ang mga centenarian sa United States na lubhang mas mataas. Ayon sa Lottie na isang digital marketplace for older adults seeking care,  kabilang sa 10 bansang may napakaraming centenarian ang Guadeloupe, Barbados, Martinique, Japan (tied),  Uruguay (tied), Puerto Rico, Hong Kong, Channel Islands, France (tied), at Latvia (tied).

Tila lubhang nahuhuli ang Pilipinas. Napaulat na, ayon sa Department of Social Welfare and Development noong Setyembre 2022, umaabot sa 662 ang bilang ng mga Filipino centenarian o mga Pinoy na may edad na 100 taong gulang o higit pa. Ito ang masasabing opisyal na record kung ang pahayag ng DSWD ang pagbabatayan pero hindi malayong may mga centenarian sa ibang bahagi ng Pilipinas na hindi naisasama sa rekord.

Pero bakit nga ba napakahaba ng buhay ng mga Hapones? Wala pang opisyal na rekord o pag-aaral sa basehan nang mahabang buhay ng mga Hapones na centenarian. Pero isa marahil maisasagot dito ang resulta ng  isang survey ng mga researcher ng National Cancer Center at Yokohama City University noong nakaraang taon na nagsasaad na nakakatulong ang pagkain ng mga gulay at prutas ng mga Hapones para mabawasan ang peligro sa kamatayan. Mahihiwatigan ba dito na nagpapahaba sa kanilang buhay ang pagkain ng gulay at prutas?

Sinasabing nakakabuti sa kalusugan ang mga gulay at prutas dahil mayaman ang mga ito sa bitamina, minerals, dietary fiber at ibang nutrient. Sinabi ng mga researcher na, batay sa pag-aaral, ang araw-araw na pagkonsumo ng kahit lang 300 grams ng mga gulay o 140 grams ng mga prutas ay nakaaambag sa pagpapababa ng panganib na mamatay.

Sa mga naunang pananaliksik sa mga indibidwal sa Europe at United States, lumalabas na ang pagkain ng mga gulay at prutas ay nakababawas ng panganib na mamatay. Pero nananatiling malabo ang epekto ng mga ito sa mga Asyano dahil iba ang kanilang lahi at pamumuhay.

Isang epidemiology professor ng Graduate School of Data Science ng Yokohama City University na si Atsushi Goto na sangkot sa pananaliksik ang nagsabing ito ang unang pagkakataon na naiulat ang malinaw na epekto ng pagkonsumo ng gulay at prutas sa isang pag-aaral na tumarget sa mga Hapones.

Sinasabing ang pagkain ng mas maraming prutas ay napatunayang nakatutulong na mabawasan nang siyam na porsiyento ang posibilidad na mamatay dahil sa heart failure, myocardial infection at ibang cardiovascular problems.

• • • • • • 

Email: [email protected]

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with