Mag-ingat sa pekeng Kings Herbal!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

MULING nagbababala ang BITAG sa mga tumatangkilik ng Kings Herbal, huwag bumili sa Lazada at Shopee dahil posibleng peke ang mga ito.

Isa sa mga nagbebenta sa Lazada at Shopee ay ang kompanyang One Full Life, kuwidaw dahil peke ang binebentang Kings Herbal nito.

Kinumpirma mismo sa BITAG ng Reh Herbal Manufacturing na hindi nila awtorisadong dealer at distributor ang One Full Life.

Nakapagsagawa na rin ng hakbang ang Reh Herbal Manufacturing at Kings Empire Corp. para makumpirmang hindi lehitimo ang binebenta nitong One Full Life.

Nitong nagdaang weekend ay binisita ko mismo ang may likha at herbalist ng Kings Herbal, si Ka Rey Herrera. Una ay para kumustahin ang kanyang kalagayan sa Pampanga matapos ang bagyong Ulysses.

Ikalawa, tinalakay namin ang gagawing hakbang laban sa iligal na pagbebenta ng Kings Herbal sa Lazada at Shopee. Partikular itong pesteng kompanyang One Full Life.

Pangungunahan ng BITAG ang babala habang kumikilos na ang abogado ng Kings Herbal.

Makikipag-ugnayan kami sa Department of Trade and Industry at National Bureau of Inves­tigation ng Department of Justice para tuldukan ang walang pakundangan at kawalanghiyaan ng One Full Life.

Tandaan, huwag bumili at huwag umorder ng Kings Herbal sa Lazada o Shopee.

Tanging sa mga authorized distributor at dealer lamang ito mabibili. Wala rin ito sa mga malls at anumang pharmacy.

Iligal at peke ang kanilang ibinebenta dahil hindi ito awtorisado ng pamunuan ng Kings Herbal – ang Reh Herbal Manufacturing at Kings Empire Corp.

Para makasigurado kung lehitimo’t orihinal ang mga Kings Herbal na bibilhin, makipag-ugnayan diretso sa main office.

Narito ang kanilang official facebook page: facebook.com/officialrehkingsherbal

HERBAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with