^

Punto Mo

EDITORYAL – Covid-19

Pang-masa
EDITORYAL – Covid-19

ANG novel coronavirus (nCoV) ay tatawagin nang Covid-19 ayon sa World Health Organization (WHO). Ang kahulugan ng Co ay Corona, ang Vi ay Virus at and D ay disease. Ang 19 ay kumakatawan sa taon na ito ay natuklasan. Disyembre 2019 nang kumalat sa Wuhan City sa China ang sakit na naihahalintulad sa pneumonia at mabilis na kumalat sa 26 na bansa sa mundo kabilang ang Pilipinas. Sa kasalukuyan, mahigit 1,000 na ang namamatay sa China. Sinasabing maraming ospital doon ang nagsisiksikan dahil sa rami ng dinadalang pasyente na may sintomas ng Covid-19. Ang palatandaan na may Covid-19 ay mataas na lagnat, ubo at sipon. Marami ang nagsasabi na nakuha ang sakit sa paniki at may nagsasabing sa pangolin. Sa isang palengke umano sa Wuhan, nag-originate ang sakit.

Sabi ng WHO, ang pagpapalit ng pangalan ng sakit ay para maiwasan ang mis-information at mga hindi pagkakasundo. Sabi ng WHO, target umanong magkaroon ng bakuna laban sa Covid-19 pagkalipas ng 18 buwan.

Nagpalit man ng pangalan, ang nililikhang per-wisyo ng sakit na ito ay nagpapatuloy at marami nang inutang na buhay. Pati ang ekonomiya ng China ay bumabagsak sapagkat maraming kompanya ang nagsasara lalo na sa Wuhan City. Dahil sa paglaganap ng sakit, nagmistula na umanong “ghost city” ang Wuhan na nag-aalisan ang mga tao sa takot na mahawa ng sakit. Noong nakaraang Linggo, 30 overseas Pinoy workers ang sinundo ng Philippine government at kasalukuyang naka-qurantine sa Athletes Village sa Capas, Tarlac. Wala namang nareport na may sakit sa mga na-repatriate na OFWs.

Ang maagang pagkatuklas sa bakuna laban sa Covid-19 ang inaasahan na makakapigil sa paglaganap ng sakit. Napakatagal naman ng 18 buwan para makapagpalabas ng bakuna. Nararapat magtulung-tulong ang mga malalaking bansa sa mabilisang pagtuklas sa gamot para ganap na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Nalampasan na umano ng sakit na ito ang SARS na nanalasa rin sa China noong 2003.

Ang pag-iingat naman ng mga Pilipino ang laging panawagan ng DOH. Huwag munang dumalo sa mga pagtitipon o huwag munang magdaos ng mga event habang nananalasa ang Covid-19. Panawagan din naman na huwag magpanic at pakyawin ang face mask. Ireserba ang mga ito sa mga hospital workers na laging nasa front line. Sundin ang DOH sa panawagang ito.

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with