^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan magiging zero plastic

Pang-masa
EDITORYAL - Kailan magiging zero plastic

NANG bumaha noong nakaraang linggo sa mara-ming lugar sa Metro Manila, nasilayan na naman ang inaanod na mga plastic na basura --- plastic bottle ng softdrinks, icetea, tubig, suka, toyo, patis at marami pa. Marami ring sache ng shampoo, toothpaste, coffee, creamer, styro at mga pinagbalutan ng sitsirya at marami pang iba. Tinatangay ng agos ang mga basura para dalhin sa Manila Bay.

Ang ibang hindi pinalad na makarating sa Manila Bay, hahantong sa mga estero kung saan maraming nakatirang iskuwater. Hahalo ang mga basura sa dati nang basura sa mga estero. At ang resulta, sandamakmak na basurang plastic at dumi ng tao ang makikita sa mga estero. Sa dami ng basurang plastic sa estero, puwede nang daanan ng tao ang ibabaw nito.

Kapag masungit ang panahon, ga-bundok na alon ang humahampas sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Isinuka ng alon ang mga basurang itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan. Daan-daang trak ng basura ang nakukuha sa kahabaaan ng Roxas Blvd kapag humupa ang unos.

Kung malilinis sa basura ang mga estero at iba pang waterways, hindi na ito hahantong sa Manila Bay. Pero dahil walang disiplina sa pagtatapon ng basura ang mga nakatira sa mga pampang ng ilog at estero, walang katapusan ang basura.

Sabi ng Metro Manila Development Author­ity (MMDA), may pananagutan ang mga barangay captain na maging malinis ang mga estero na nasa kanilang nasasakupan. Maaaring sampahan sila ng kaso sa Ombudsman kapag pinabayaan nilang marumi ang mga estero.

Kailan magiging zero plastic sa Metro Manila para wala nang basurang babara sa waterways na nagdudulot nang pagbaha. Marami pa ring establishments ang gumagamit ng plastic bags sa halip na supot na papel. Marami pa ring restaurants ang gumagamit ng styro at mga plastic cup na hindi natutunaw kahit abutin nang maraming taon.

Hangga’t hindi ipinagbabawal nang lubusan ang paggamit ng plastic sa Metro Manila, patuloy ang pagbaha. Walang katapusan ang problema na maraming taon nang dinaranas.

vuukle comment

ZERO PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with