^

Punto Mo

‘Doc, bakit ako pinupulikat?’

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

“NATUTULOG po ako nang biglang makaranas ng paninigas ng mga kalamnan sa binti. Umaakyat paitaas ang muscle at napakasakit. Bakit ako nakakaranas ng ganito?”

Ang nararanasan mo ay leg cramps o pamumulikat. Ang tinatamaan nito ay ang “calf muscles” sa binti. Ito kasi ang muscle na madalas nating igina­galaw. 

May limang dahilan kung bakit pinupulikat:

Matinding pag-eehersisyo o activities na masyadong physica­l.

Paulit-ulit na paggamit ng parehong muscle.

Pagtayo nang matagalan sa maghapon.

Pag-upo nang hindi wasto o nababaluktot ang dakong binti’t paa.

Pagtulog na nakatutok ang electric fan o aircon sa dakong binti.

Sakaling pulikatin habang lumalangoy, huwag magpanik. Piliting mag-float lamang sa tubig habang nagaganap ito. Kapag tapos na ang atake ng pulikat, marahang ikampay ang mga paa hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kasamahang naglalangoy din.

Ang mga naglalaro ng basketball ay karaniwan ding pinupulikat. Matindi kasi ang pressure ng calf muscles habang nagba-basketball. 

Kung nagiging madalas naman ang atake ng pulikat, ma­iging magpa-blood test para sa level ng calcium sa dugo. Ang mababang level ng blood calcium na tinatawag na “hypocal­cemia” ang isa sa posibleng sanhi ng pamumulikat. Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium gaya ng keso, dilis, gatas, at iba pang dairy products.

Narito ang remedyo sa pamumulikat:

Kung nararamdaman ang pagdating ng pamumulikat, lalo na kung natutulog, iunat lamang ang apektadong binti, at piliting higitin pataas ang dulong daliri ng paa. Kung nakaupo, iunat din ang buong binti’t paa at abutin ng kamay ang paa. Hatakin ang dulong daliri ng paa papunta sa direksyon ng katawan (toes pointing upwards). Panatilihin ang ganung posisyon sa loob ng ilang minuto hangga’t may pulikat pa. 

Kung natuloy ang matinding pulikat at naiwang nananakit ang mga kalamnan sa binti, maglagay ng hot compress sa naturang kalamnan. Puwedeng maglagay ng ma­ligamgam na tubig sa isang bote, balutin ito ng tuwalya, at ipatong o pagulungin ito sa apektadong kalamnan.

Puwede ring maligo ng maligamgam na tubig. Makatu­tulong ito sa nanakit na kalamnan.

Puwedeng uminom ng pain reliever gaya ng paracetamol, ibuprofen, mefenamic acid.

Uminom nang maraming tubig kapag mag-eehersisyo lalo kung tatakbo, lalangoy at magba-basketball lalo na kung mainit ang panahon.

vuukle comment

DOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with