^

Punto Mo

Trak ng Basura

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN, ang taksing sinasakyan naming mag-ina ay muntik nang makabangga ng isang Mercedes Benz. Ginitgit ang taksi ng rumaragasang delivery van. Sa pag-iwas ng taksi sa delivery van, muntik na nitong mabangga ang mamaha-ling kotse.

Mabilis na tumakas ang delivery van kaya ang driver ng taksi ang hinarap ng driver ng Mercedes. Ang tanging nasabi ng driver ng taksi ay “Pasensiya na brod, kita mo naman, ginitgit lang ako…”

“Putang-ina ninyo!” ang sagot ng driver ng Mercedes at pinatakbo na ang sasakyan. Narinig kong bumulong ang driver ng taksi. “God bless you”.

Naalaala ko ang isang kuwento na nabasa ko. May title itong “The Law of  the Garbage Truck”. Ang tao raw ay kahalintulad ng trak ng basura. Nabubuhay ito sa araw-araw na puno ng basura — galit, frustration, disappointment, etc. Dahil puno na, ibinubunton nila ang galit sa ibang tao. At iyon ang ating iingatan—maging tagasalo ng basura ng ibang tao.

Tama lang ang naging attitude ng taxi driver. Kung pinatulan niya ang pang-aaway ng Mercedes Benz driver, para na rin niyang sinalo ang basura nito. Kung galit siya sa mundo, siya na lang ang magpakagalit. Isaksak niya sa baga ang sarili nilang galit!

Ang sekreto raw ng mga matagumpay na tao ay hindi nila hinahayaang maging trak sila ng basura o maging tagasalo ng basura ng ibang tao. Mahalin ang mga taong tinatrato tayo nang maayos at ipagdasal na lang ang mga taong gumagawa sa atin ng masama. Mas mainam iyon kaysa patulan sila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BASURA

DAHIL

DRIVER

GARBAGE TRUCK

GINITGIT

ISAKSAK

MABILIS

MERCEDES

MERCEDES BENZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with