^

Hindi ba mali?

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - August 1, 2015 - 10:00am

ANGHANG TAMIS Adong Hagupit

Sa palagay ninyo anong mangyayari

Sa buhay ni P-Noy kung di siya hari?

Dahil magwawakas na bilang presidente

Gayung sa SONA n’ya may mga sinisi?

 

Kaiba sa ibang gumawa ng SONA

kanyang talumpati may sinisi siya;

Katulad ni GMA at saka Corona

Hindi kaya siya ay banggain nila?

 

Sa pagkakaalam ko walang naging lider

Ay walang nagbalik sa record na linisin;

Na noo’y ginawa ng dati’y incumbent

Pagka’t pambabaog na di dapat gawin!

 

Ginawa ni Quezon saka ni Magsaysay

Nang mga panahong nasa Malacanang;

Ay hindi binanggit mga nakaraan

Ng mga sumunod na lider ng bayan!

ADONG HAGUPIT DAHIL GAYUNG GINAWA KAIBA KATULAD MAGSAYSAY MALACANANG NANG P-NOY PAGKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with