^

Punto Mo

Takbo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG ako ay nasa Grade 3, itinahi ako ng aking ina ng pantsuit  magkaternong pantalon at blouse. Kahit ako ay papayat-payat, malikot akong bata at mahilig magtatakbo. Bibili lang ng pagkain sa canteen, magtatakbo na ako para hindi ako maabutan ng mahabang pila o hindi kaya para hindi maubusan ng pansit habhab. Ganoon ako lagi, gusto ko laging mauna.  

Suot ko ang aking pantsuit isang araw na ako ay pumasok sa school. Hindi kami nag-uuniporme sa public school. Kumalat sa aming school na dumating daw at nasa plaza sina First Lady Imelda Marcos kasama ang sikat noong love team na sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Panahon noon ng election. Nanga­ngampanya si Imelda para sa asawa niya. Maya-maya lang ay idineklara ng aming principal na walang klase dahil aligaga ang lahat ng tao na magpunta sa plaza para makita ng personal ang mga artista pati na rin si Imelda na napakaganda raw na babae.

As usual, takbuhan kaming magkakaklase. Malakas ang loob kong tumakbo nang mabilis dahil nakapantalon ako.Unahan kami na makarating sa plaza para mauna sa front row. Isa pa, mas magandang matitigan sa malapitan sina Imelda, Vilma at Edgar. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadapa ako. Masama ang aking bagsak. Kahit ako ay nakapantalon, hindi iyon nakatulong para hindi masugatan ang aking dalawang tuhod. Sa sobrang lakas ng pagkadapa, nabutas ang tela at kumayod sa kalsada ang aking mga tuhod. Sumigaw ako ng “Tulungan ninyo ako!” pero walang nakarinig. Tiningnan lang ako sandali ng aking mga kaklase at pagkatapos ay itinuloy nila ang pagtakbo papunta sa plaza. Unti-unti akong bumangon. Umupo sa tabi ng kalsada. Damang-dama ko ang hapdi ng sugat sa tuhod. Ayoko nang manood ng pangangampanya ni Imelda. Tumitibok na ang sugat at walang tigil ang paglabas ng dugo. Iika-ika akong umuwi sa aming bahay at doon ako umatungal ng iyak. Hindi ko nakita ang pinag-uusapang beauty ni Imelda. Hindi ko narinig ang boses ni Vilma habang kumakanta ng Sweet Sixteen. Sayang maganda pa raw naman ang pagkakakanta ni Edgar ng My Pledge of Love. Sayang talaga. Hindi ko sila nakita nang personal.

Naging aral iyon sa akin. Ang tagumpay ay hindi nakukuha sa pagtakbo kundi sa maliliit pero tiyak na paghakbang. Ang mga bata ay nagsisimula sa mabagal na paghakbang hanggang sa hindi natin namamalayan ay nakakatakbo na pala sila. Ang karanasang iyon ay nagpapaalala sa akin lagi na—we need to keep working, slowly but surely, towards our goals.

 

vuukle comment

AKO

EDGAR MORTIZ

FIRST LADY IMELDA MARCOS

IMELDA

KAHIT

MY PLEDGE OF LOVE

SAYANG

SWEET SIXTEEN

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with