^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilisan naman ang ‘pork barrel scam’

Pang-masa

MABAGAL ang usad ng “pork barrel scam’’. Noong nakaraang taon pa ito umalingasaw subalit wala pa halos nararating kahit nakapiit na ang “reyna ng scam” na si Janet Lim Napoles. Sabi ng Department of Justice, sapat ang ebidensiya nila at marami pang kakasuhan kaugnay sa scam. Tatlong senador ang kinasuhan ng graft dahil sa maanomalyang paggamit ng pondo sa pamamagitan ng pekeng NGOs ni Napoles. Ang tatlo ay sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr.

Noong Huwebes, isinalang si Ruby Tuason, dating social secretary ni dating President Erap Estrada at dinetalye kung paano niya dinadala ang pera kay Jinggoy. Si Tuason ay isa sa mga kinasuhan kaugnay sa pork barrel scam pero naging state witness na ngayon. Handa raw siyang ibalik ang milyon na na-ging komisyon niya.

Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan dito. Mara-ming interesado sa kasong ito sapagkat bilyon piso ang naibulsa ng mga inaakusahan. Habang marami ang naghihirap, walang makain, walang matirahan, marami ang maysakit, maraming tinamaan ng kalamidad at kung anu-ano pang mga kadahupan sa buhay, kinukurakot lang pala ang pera sa kaban. Pinagpapasasaan lang ng mga matatakaw at walang kabusugan.

Kung maraming ebidensiya laban sa mga ina­akusahan, bakit hindi ilantad na para mabilisan ang pag-usad ng kaso. Nangyayari tuloy ay parang pinagpipistahan lamang ang hearing. Walang nararating at paiku-ikot lang. May mga senador na may kinikilingan sa pagtatanong. Hindi sana magamit ang pag-iimbestiga sa nalalapit na presidential elections. Bilisan para malaman kung sino ang mga nagsisinungaling. Matutuwa ang taumbayan kung mayroong mapaparusahan sa kasong ito. Marami nang inimbestigahang katiwalian ang Senado pero wala ring narating.

Sana naman sa pagkakataong ito ay mayroon nang maparusahan. Meron na sanang maipiit at pagdusahan ang ginawang paglustay sa pera ng bayan. Noon pa, ito na ang ninanais ng sambayanan.

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

NOONG HUWEBES

PRESIDENT ERAP ESTRADA

RAMON REVILLA JR.

RUBY TUASON

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

SI TUASON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with