^

Punto Mo

‘The Bodyguard’(BITAG classic)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA sa mga dahilan ng pagiging bully at pagiging siga ng isang tao ang pinanghahawakang titulo at pader na sinasandigan nito.

Mga kolokoy na akala mo kung sinong magagaling at maya­yabang pero kapag na-BITAG na sa kanilang mga kabuktutan, kumakalansing sa takot ang bombolyas!

Taong 2007, lumapit sa BITAG ang isang iika-ika at halos hindi na makalakad na ginang. Biktima umano siya ng panghaharas at pambu-bully ng lalaking kapitbahay.

Ang siste, bodyguard pala ng mayor ng Teresa, Rizal ang putok sa buhong kenkoy kaya malakas ang loob na manakit at mam-bully sa kanilang lugar!

Ayon sa sumbong ni Ermenilda, isang taon na siyang hinaharas at kinakaya-kaya ni Felipe. Hanggang ang simple at mababaw na away-kapitbahay, nauwi sa matinding sakitan!

Nagulat na lang umano si Ermenilda ng isang araw hinagisan siya ni Felipe ng malaking bato sa kanyang kanang paa dahilan para mawalan siya ng malay-tao at hanapbuhay!

Dahil biyuda na at wala nang malapit na matatakbuhan ang nabaldang mananahing si Ermenilda, lumapit siya sa presinto sa pag-aakalang mabibigyan ng leksyon ang kapitbahay.

Pero, nakalimang reklamo na umano ang pipilay-pilay na ginang sa presinto ng Teresa, Rizal, wala palang saysay ang pagbabalik-balik niya rito!

Nakumpirma ng BITAG na may ginagawa palang hokus-pokus ang mismong amo ni Felipe na si Mayor Rodel dela Cruz!

Abangan ang komprontasyon at kung ano ang ginawang hakbang ng BITAG sa kasong ito!

Matagal na itong palabas ng BITAG. Sinadya talaga naming ibalik at ipalabas para ipaalam sa publiko na mayroon silang takbuhan at sumbungan sa ganitong uri ng mga reklamo.

Abangan mamayang alas-6 ng gabi sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com ang kabuuan ng naidokumentong reklamo laban sa putok sa buhong “Bodyguard ni Mayor.”

ABANGAN

AYON

BIKTIMA

BITAG

ERMENILDA

FELIPE

MAYOR RODEL

RIZAL

TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with