18 katao sugatan sa fireworks display
MANILA, Philippines — Nasugatan ang labingwalo katao matapos na aksidenteng sumabog ang ilang fireworks sa pagbubukas ng ‘Christmas Festival of Lights 2026” sa Tangub City, Misamis Occidental nitong Sabado ng gabi.
Kabilang sa mga nasugatan ay sina Corcord Paul Ramas Jr., 27; nobya nitong si Jhe Marie Rio, 24; Reymar Jay Billeta, 18; Wendel Degamo, 33 at iba pa na pawang isinugod sa pagamutan.
Sa ulat ng Tangub City Police, nangyari ang pagsabog, alas-8:00 ng gabi sa grand opening ng nasabing festival na tradisyunal na inoobserbahan sa Tangub City.
Kasalukuyan umanong nanonood sa fireworks display ang mga biktima nang biglang sumabog ang fireworks sa mga nanonood sa nasabing mga pailaw na ikinasugat ng 18 katao.
Namahagi ang pamahalaang lungsod nitong Linggo ng pinansyal na tulong sa mga nasugatang biktima para sa pagpapagamot sa tinamong mga sugat sa katawan.
- Latest
















