^

Police Metro

Wala nang extension sa SIM card registration

Angie dela Cruz - Pang-masa

Pagkatapos ng July 25 deadline…

MANILA, Philippines — Wala nang mangyaya­ring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para dito.

Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary for Cyber­security Jeffrey Ian Dy na hindi na sila makapagbibigay ng panibagong extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

Ani Dy, pagsapit ng July 26 ay mapuputol na ang mga koneksyon ng mga SIM card subscribers na hindi pa rehistrado na sa kasalukuyan ay pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

Idinagdag pa ni Dy, bagama’t katumbas lamang ito ng 60% ng total SIM cards na nabili ay maituturing na rin itong malaking accomplishment.

Una nang nagtakda ang DICT na April 26, 2023 deadline ng SIM card re­­gistration pero dahil sa mga apela ay ginawa itong July 25, 2023 upang big­yan pa ng sapat na panahon ang mga subscribers nationwide na maipare­histro ang kanilang SIM card. 

vuukle comment

SIM CARD REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with