^

Police Metro

Nang-agaw umano ng baril.. Pulis `Quezon City na sinita sa gun ban bumulagta sa loob ng BOC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) nang mang-agaw umano ng baril habang iniimbestigahan matapos masita sa paglabag sa Comelec gun ban habang nasa erya ng Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Maynila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PEMS Celedonio E, Caunceran, nakatalaga sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng QCPD at residente ng 27- B Saint Vincent St.Brgy. Holy Spirit, Quezon City. Siya ay idineklarang dead-on-arrival alas-9:53 ng gabi noong Mayo 20, 2022 sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Boluntaryo namang sumuko ang nakabaril na si Elizer Mangili, 36, Intelligence Officer 1 ng BOC-Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS).

Sa ulat na isinumite ni Manila Police District-Homicide Section chief, P/Lt.Adonis Aguila, dakong-9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng CIIS Office, sa Gate 3, South Harbor, Brgy. 651, Port  Area, Maynila
Bago ang krimen, dakong alas 5;15 ng hapon nang makatanggap ang security surveillance ng CIIS na may isang lalaki na pinaghihina­laang sangkot sa serye ng pamamaril sa ilang BOC personnel kaya pinuntahan ito sa 15th Street at inaresto dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.

Nang dalhin at imbestigahan sa CIIS office, nagpaalam umano na magtutungo sa comfort room para magbawas kaya tinanggalan ng posas ni SAI Lugtu, CIIS officer, subalit biglang inagawan siya ng baril hanggang sa magpambuno ang dalawa. Nang makita ni Mangili na hawak ni Caunceran ang baril ng kasamahan ay sinaklolohan at binaril si Caunceran dahilan upang tamaan ito sa noo at sa dibdib.

Ang dalawa pang CIIS officer ang nagsugod sa pagamutan kay Caunceran subalit hindi na umabot nang buhay.

BOC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with