^

Police Metro

3 todas sa gun attack sa Maguindanao

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang naiulat na nasawi nang magpaulan ng putok ng baril sa Buluan, Maguindanao sa kasagsagan ng Halalan 2022, kahapon.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa 16th Military Intelligence Company, naganap ang insidente bandang alas-7:25 nang umaga nang paulanan ng putok ng mga sakay ng da­lawang pu­ting van ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), na naka-duty sa Pilot Elementary School.

Lahat ng mga nasawi ay mga miyembro ng BPAT, na kinilalang sina Misuary Dimapalao, Sajid Kamama, at Tata Bulilo.Habang nasugatan ang isa nilang kasama na si  Jadid Ulangkaya na pawang supporters ni Mayoral aspirant Babydats Mangudadatu ng Buluan, Maguindanao.

Ang Buluan, Ma­guindanao ay kabilang sa 24 bayan na nasa ilalim ng Comelec control.

GUN ATTACK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user