Oil price muling tumaas
MANILA, Philippines — Ngayong araw ay magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang produkto.
Ngayong araw ay maniningil na ang Chevron Philippines Inc. (Caltex) ng dagdag na P.50 sa kada litro ng kanilang produktong platinum, sa silver P.50, sa diesel P.60, at P.55 sa kerosene.
Habang ang Shell ay may dagdag na P.50 sa gasoline, P.60 sa diesel, P.55 sa kerosene. Hindi naman apektado ang presyo ng kerosene sa mga lugar na nasa state of calamity.
Ang Petron naman ay may dagdag na P.50 sa gasoline, P.60 sa diesel, at P.55 sa kerosene.
Ganun din ang mga small players ay nagtaas din ng kanilang presyo.
- Latest