Joy Belmonte sa Quezon City residents: Maging laging handa sa lindol
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng Quezon City na magsagawa emergency practices sa kanilang mga tahanan matapos ang magkakasunod na lindol at aftershock na tumama sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

“Earthquakes could possibly occur anytime and unfortunately, there is no technology yet that could predict when it will strike. It’s better that we start educating ourselves now so that we could prepare ourselves and our communities for disasters like this,” ani Belmonte.

Binanggit din ni Belmonte na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang kanilang makakaya upang mapabuti pa ang disaster preparedness sa QC, sa ilalim ng pamamahala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nagpasa na rin, aniya, ang Sangguniang Panlungsod ng ordinansa sa mandatory earthquake drill sa lahat ng establisimiento ng QC at iba pang may kaugnayan sa paghahanda sa kalamidad.

Anya, mula noong nagdaang taon, ang QC ay may mga nakahanda ng contingency plan para sa mga worst-case-scenarios tuwing may lindol at may disaster risk reduction plan bilang paghahanda sa paglindol at iba pang uri ng kalamidad.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with