^

Police Metro

Miyembro ng Abu Sayyaf dakip sa Taguig

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Investigation (NBI) sa Taguig City, nitong Miyerkules.

Ang suspek ay kinilalang si Salahim Dawani a.k.a. Abu Moadz na naaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Basilan Regional Trial Court (RTC) na may kaugnayan sa pagdukot sa ilang manggagawa ng Golden Harvest Plantation,Tairan, Lantawan, Basilan noong 2001.

Ayon sa mga saksi na kasama si Aby Moadz sa mga grupo na nanunog ng mga bahay sa lugar at pagpugot sa ulo ng trabahador na sina Primitivo Falcasantos at Crisanto Suela. Isa rin ang suspek na nagsilbing augmentation force sa mga ASG na kumidnap sa mga biktima sa Sipadan, Pulao, Sabah, Malaysia noong April 23, 2000 na tumulong din para madala ang mga kidnap victims sa Talipao at Patikul sa lalawigan ng Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with