Drug ops: 2 todas
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos na kumasa sa inilatag na drug buy bust operation sa magkahiwalay na operasyon ng pulis sa Misamis Oriental.

Kinilala ang naunang nasawi na si Mark Anthony Boqueron, 32, ng Opol, na nagtamo ng dalawang tama ng baril at nakuha sa kanya ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu, P500 marked money at isang kalibre.38 pistol.

Ikinasa ang operasyon ng madaling araw, kamakalawa at dito ay nanlaban ang suspek nang malaman na pulis ang katransaksiyon.

Ang ikalawang suspek na nasawi ay kinilalang si Elmer Sambas nang manlaban din sa mga otoridad sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado.

Matagal na rin umanong minamanmanan ang dalawang suspek na sinasabing patuloy na nagtutulak ng illegal na droga.

MARK ANTHONY BOQUERON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with