_pang-masa
^

Police Metro

Ginang na drug pusher dinedo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 46-anyos na ginang na umano ay drug pusher matapos na barilin habang naglalaro ng bingo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Marianita Barbo, may-asawa ng 60 Senatiorial Road, Barangay Batasan Hills sa lungsod. Habang ang nasugatan dahil sa tama ng ligaw na bala si Darwin Vera, 29.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng Executive Road kanto ng Senatorial Road ay naglalaro ang biktima ng bingo nang ito ay lapitan ng suspek na naka-bull cap at binaril ang ginang.

Ilang dipa lamang ang layo kay Barbo ay  tinamaan naman ng bala si Vera sa kanang paa at mabilis na tumakas ang suspek.

Sa salaysay ng live in partner ng biktima na si Reynaldo Garcia na nagtutulak ng droga ang biktima at nakakatanggap ito ng mga death threat sa text na pinatitigil na sa kanyang illegal na gawain,subalit binaliwala lang nito ang banta.

ANG BARANGAY BATASAN HILLS BARBO BATAY DARWIN VERA EXECUTIVE ROAD MARIANITA BARBO QUEZON CITY REYNALDO GARCIA SENATIORIAL ROAD SENATORIAL ROAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with