_pang-masa
^

5 shoplifter arestado

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - December 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng limang notor­yus shoplifter makaraang masakote sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina BJ Estrera, 26, ng Brgy. Tatalon; Joey Rose Barroga, 31; Chris del Rosario, 32, kapwa taga Sampaloc Manila; Lio Francis Pasco, 21, guro, ng Brgy. Batasan Hills; at si Marlon Sabrito, 33, ng Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Base sa police report, nadakip si Estrera matapos tangayin nito ang mga pabango sa Bench Botique sa Fishermall sa Brgy. Sta. Cruz.

Samantala, sina Barroga at del Rosario naman ay naaresto sa mall sa Cubao matapos na makumpiskahn ng assorted merchandize habang si Pasco naman ay naaresto sa supermarket din sa Cubao makaraang itakas ang assorted merchandize mula 1st floor ng mall.

Si Sabrito naman ay inaresto matapos na sikwatin ang dalawang powerbank, BT speaker at isang PC sling bag sa Korean Exquisite Lifestyle sa 3rd floor ng Far­mers Plaza sa Araneta Avenue, Cubao.

ACIRC ARANETA AVENUE BATASAN HILLS BENCH BOTIQUE BRGY CUBAO ESTRERA JOEY ROSE BARROGA KOREAN EXQUISITE LIFESTYLE LIO FRANCIS PASCO QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with