Batang Manda yumao na
MANILA, Philippines — Maraming karerista ang nabigla at nalungkot nang mabalitaang namatay na ang champion horse na Batang Manda.
Halo-halong komento ang mga karerista nang magkalat sa social media ang larawan ng Batang Manda at ng masamang balita.
Pag-aari ni Benhur Abalos, nagwagi ang Batang Manda sa 2024 PCSO - Presidential Gold Cup Championship na nilarga noong Disyembre sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
“Nabigla ako pagbukas ko ng face book ko nakita ko picture ni Batang Manda na nakahiga at nabasa ko na patay na,” malungkot na sabi ni Redentor Vicente, veteran karerista.
Si Batang Manda ang nahirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year noong 2024.
- Latest




















