_pang-masa
^

PBA umaasa pang makakagalaw sa NCR

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasalalay sa ipapatupad na bagong quarantine status simula bukas kung puwede na rin bang magdaos ng training camps ang PBA sa NCR Plus matapos makakuha ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) noong nakaraang linggo.

Sa ibinigay na permiso ng IATF ay puwede lamang magsanay ang mga PBA teams sa mga lugar na nasa ilalim ng maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) o General Community Quarantine (GCQ) na posibleng maging status na rin ng NCR Plus  simula bukas. 

Ang kasalukuyang pinapairal na mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ay mapapaso na ngayong araw.

Nagpulong na ang IATF at ang Metro Manila Council ukol sa susunod na NCR Plus quarantine status na inaasahang pagdedesisyunan at iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati habang isinusulat ang balitang ito kagabi.

Kung sakaling bumaba na sa GCQ ang NCR Plus, kailangan pa ring pormal na humingi ng permiso ang mga PBA teams sa local government units (LGUs)  ng lugar na kanilang pagsasanayan bago payagan, ayon kay Commissioner Willie Marcial.

Dagdag din dito ang mahigpit na protocols ng IATF at ng PBA mismo gayundin ng Games and Amusements Board ayon sa Joint Administrative Order kasama ang Department of Health at Philippine Sports Commission.

Kabilang sa mga naturang protocols ang pi-naigting na dalawang COVID-19 testing bago pumasok sa PBA training. Magkakaroon uli ng testing kada 10-araw sa loob ng training camp.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with