Labanan ng mga UNTV Cup champions
(Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Judiciary at Philippine National Police ang ikaapat at huling second round berth bukas  sa showdown ng mga dating champions ng 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Magsasagupa ang Judiciary Magis, two-time champions at PNP Responders, naghari tatlong taon na ang nakakaraan, sa alas-4:30 ng hapon kung saan parehong hangad ng dalawang team ang ikalawang panalo sa six-team Group B elims para makausad sa second round.

Dahil sa injuries ng mga key players sa kaagahan ng season, ang mga kinatatakutang Magis at Responders ay may tig-isang panalo pa lamang sa tig-apat na laro.

Sasamahan ng winning team ang Department of Environment and Natural Resources (5-0), Malacañang-Philippine Sports Commission (4-1) at National Housing Authority (3-2) sa susunod na round.

Importante rin ang laban ng Ombudsman at PITC sa Group A kung saan hangad ng una na mapalawig ang kanilang 1-3 record para maipuwersa ang pakikipagtabla sa Global Traders (2-2) at PhilHealth Plus (2-3).

Kung mananalo ang Global Traders, mahahatak nila ang PhilHealth sa susunod na round kasama ang defending champion at undefeated na Armed Forces of the Philippines (5-0) gayundin ang Department of Agriculture (4-1).

 

NTV CUP CHAMPIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with