Collegiate press corps NCAA player of the week
Francisco Cagape (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Humataw si Allyn Bulanadi ng 44 points sa panalo ng San Sebastian kontra sa Perpetual Help Altas, 99-94, upang itaas ang Recto-based Stags sa stepladder playoff round ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament.

Nagdagdag ng 8 rebounds at 4 assists ang gra­duating na si Bulanadi para tapusin ang kanilang elimination round assignment sa ikaapat na pu­wes­to sa bitbit na 11-7 kartada sa likuran ng San Bed Red Lions, Lyceum Pirates at Letran Knights.

“Ginawa ko lang ‘yung best ko. Sabi ko, ‘Para ito sa Baste, sa lahat ng bumubuo ng Baste,” sabi ng 6-foot-3 forward na umiskor ng mataas na 14-of-26 sa fieldgoal shooting at 7-of-11 clip sa three-point area at perpektong 7-of-7 sa freethrow line kontra sa Altas.

Sa kanyang ipinakitang matikas na laro ay nasungkit din ni Bulanadi ang kanyang ikalawang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Pla­yer of the Week honor sa season.

Nagtala ng mga average 31.5 points, 8.0 rebounds at 5.0 assists ang San Sebastian star.

Naungusan ni Bulanadi para sa nasabing weekly citation sina Calvin Oftana ng San Beda, Kent Sa­lado ng Arellano at Yankie Haruna ng St. Benilde.

NCAA PLAYER OF THE WEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with