_pang-masa
^

SBP-Smart 3x3 tagumpay

(Pang-masa) - June 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinataguyod ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kasama ang Smart Communications, naging matagumpay ang pagdaraos ng SBP-Smart 3x3 Women’s Tournament noong Sabado sa Meralco Orange Fit Center sa Ortigas, Pasig City.

Ang 21 participating teams ay hinati sa limang grupo at sumabak sa apat na elimination games kung saan ang top-seeded teams ay umabante sa semifinals.

“Natutuwa ako sa enthusiastic turnout of the players. Marami ‘yung school-based who represented the sport which is important,” wika ni SBP 3x3 program director Ronnie Magsanoc. “Not only are we holding the competition for its sake, but we want to raise the bar in terms of elite competition. We plan on this to be a regular tournament for these up-and-coming players.”

Kumpara sa first leg, mas maraming school-based teams na kinabibila-ngan ng CEU, FEU at Diliman Preparatory School ang lumahok sa torneo.

Hinirang na outright top seeds ang Gilas 1, Gilas 2, NU 1 at NU 2 sa kani-kanilang mga grupo.

Tinalo ng NU A ang NU B, 10-3, habang tinakasan ng Gilas 1 ang Gilas 2, 17-15.

Pinatumba ng Gilas 1 ang NU A, 17-12, para magkampeon, samantalang pumangatlo ang Gilas 2 matapos kunin ang 20-18 panalo laban sa NU B.

“Kailangan tuluy-tuloy ‘yung nilalaruan,” ani Magsanoc.

SAMAHANG BASKETBALL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with