^

PM Sports

Clarkson bibigyan ng ‘present’

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

JAKARTA - Hindi pa man tapos ang kampan­ya dito sa Asian Games ay alam ni coach Yeng Guiao na na-accomplish ng “Gilastopainters” ang kanilang misyon dito.

“When we came here, we projected to better our last finish in Incheon Asian Games,” pahayag ng naitalaga nang coach ng Gilas Pilipinas para sa World Cup qualifiers na si Guiao. “We have al­ready achieved that but we can do better.

Matapos ang 113-80 pa­nanalasa sa Japan ka­ma­kalawa na pambawi sa kanilang 92-81 masaklap na pagkatalo sa Korea, na­kasiguro na ang Jordan Clarkson-reinforced na Pi­noy squad ng sixth place finish.

Ngunit nais ni Guiao na maabot ang pinaka­ma­gandang pagtatapos na puwede nilang gawin upang bigyan ng pabaon si Clarkson na magbabalik na sa Cleveland Cavaliers para sa kanilang trai­ning camp dahil malapit na uling magbukas ang NBA season.

“We want to give Jor­dan a going away pre­sent,” ani Guiao. “We still want to finish strong. We still want to feel good about this after having sorry losses.”

Taas-noo pa ring uu­wi ng Pinas ang Gilas na hinangaan ng marami matapos bigyan ng ma­tinding laban ang China na pinalakas ng dalawang NBA players bago tanggapin ang 80-82 ka­biguan.

Nahigitan na ng Gilas ang 7th place finish ng Pinas noong 2014 at la­laban pa sila sa mas ma­gandang fifth place finish kontra sa Syria bukas ng alas-630 ng gabi (7:30 p.m. Manila time).

Nakatakdang umalis kaagad si Jordan pag­ka­tapos ng nasabing game laban sa Syria gayundin ang bu­ong koponan kung ma­aayos ang kanilang flight.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with