^

PM Sports

Belingon pinatahimik si Leone

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinigil ni Kevin “The Silencer” Belingon ang dayong karibal na si Andrew Leone gamit ang Round 2 technical knockout (TKO) victory kamakalawa ng gabi sa kanilang ONE: Heroes of Honor na sagupaan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bunsod nito, nakasikwat muli ang pambato ng Team Lakay ng pambihirang world title shot kontra sa kampeon ng bantamweight division na si Bibiano Fernandes.

Dating national champion ng Wushu, kumonekta ng isang perpektong spinning kick si Belingon sa ikalawang round na ikinatumba ni Leone.

Nakakita ng pagkakataong tapusin na ang laban, sinunggaban ng 30-anyos na si Belingon ang tsansang iyon nang paulanan ito ng birada sa lapag ng octagon hanggang sa itigil na nga ang laban sa 3:33 marka ng ikalawang round.

Pinalawig ni Beli-ngon (18-5) ang kanyang killing spree sa limang sunod na panalo mula nang matalo kay Bibiano sa kanyang unang world title shot noong 2016.

Ngayong naka-buwelo na’t nakasakay sa isang impresibong panalo, may tsansa ngayon si Belingon na makamit na sa wakas ang inaasam na world title shot.

Samantala, sa co-main event ng naturang laban, ginapi rin ni Giorgio Petrosyan ng Italy ang katunggaling si Jo Nattawut ng Thailand sa unanimous decision.

Nanalo rin ang ibang Pinoy fighters na sina Honorio Banario at Gina Iniong.

Umiskor ng split decision si Banario sa lightweight bout kontra kay Adrian Pang ng Australia habang si Iniong naman ay nakaeskapo ng unanimous decision na tagumpay sa atomweight kontra kay Jenny Huang ng Chinese Taipei.

Si Kaji Elbin lamang ang katangi-tanging Pinoy na di nakalusot sa Manila fight card ng ONE Fighting Championship matapos ang Akihiro Fujisawa.       

 

vuukle comment

LEONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with