^

PM Sports

Navy, IEM agawan sa huling semis slot

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Paglalabanan ngayon ng Navy Sailors at IEM Volley Masters ang huling upuan sa semifinals sa pagtatapos ng Spikers’ Turf Reinforced Conference elimination round sa The Arena sa San Juan City.

Ang natatanging laro ay magsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon at ang magwawagi ang makaka-laban ng Air Force Airmen na siyang nangunguna sa elims sa 4-1 karta.

Ang Cignal ay may 4-1 baraha rin pero mas mababa ang tie-break points kumpara sa Airmen, ang makakaharap ng PLDT Home Ultera Fast Hitters at tulad ng Air Force ay may twice-to-beat advantage  sa semifinals.

Matapos manalo sa kanilang unang laro laban sa Sta. Elena Wrecking Balls, ang Navy ay natalo sa kanilang sumunod na tatlong asignatura para malagay sa alanganin ang kampanya sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Sa kabilang banda, nanatiling palaban ang Volley Masters kahit natalo sa unang tatlong laro matapos gapiin ang Wrecking Balls, 25-19,  25-23, 26-24.

Ang semifinals sa natatanging commercial league sa kalalakihan ay sisimulan bukas.

AIR FORCE

AIR FORCE AIRMEN

ANG

ANG CIGNAL

ELENA WRECKING BALLS

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST HITTERS

NAVY SAILORS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

VOLLEY MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with