^

PM Sports

Philips Gold, Cignal agawan sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisikaping ipakita ng Philips Gold Lady Slammers ang kahandaan na pumaimbulog sa tuktok ng liga sa pagharap sa una sa dalawang mabibigat na laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Lady Slammers ang Cignal HD Lady Spikers sa ganap na ika-4 ng hapon at ang mananalo ay titibay ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round sa ligang inorganisa ng SportsCore  na handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Mueller at mapapanood sa TV5.

Magkakasalo ang Cignal, Philips Gold at nagdedepensang kampeon Petron Lady Blaze Spikers sa itaas ng team standings bitbit ang 6-2 karta habang ang Foton Tornadoes ang kumuha sa ikaapat at huling puwesto sa semis sa 5-3 baraha.

Balak ng Tornadoes na maisulong ang apat na sunod  na panalo sa pagharap sa talsik nang RC Cola-Air Force Raiders dakong alas-6 ng gabi.

Huling laro ng Lady Slammers ang Petron at kung maipanalo nila ang huling dalawang asignatura ay tiyak na tataas ang kumpiyansa ng koponan papasok sa knockout round.

“We still have to play well inside the court because the other teams are improving,” wika ni Vicente na  gusto ring maipaghiganti ang five-set na pagkatalo sa Cignal.

Sina Bojana Todorovic, Alexis Olgard at Myla Pablo ang mga magdadala pa rin ng laban sa Philips Gold laban sa mahuhusay na sina Ariel Usher  at Amanda Anderson. (AT)

ALEXIS OLGARD

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

FOTON TORNADOES

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

LADY SPIKERS

PHILIPS GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with