Luya pantanggal ng balakubak
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - February 26, 2020 - 12:00am

Ilang beses nang naisulat sa column na ito kung papaano solusyunan ang pagkakaroon ng dandruff. 

Pwede itong gamutin sa pamamagitan ng iba’t ibang home remedy at iba’t ibang essential oils tulad ng castor, coconut, at tea trea oil. 

Maaari rin itong mawala sa paggamit ng baking soda, apple cider vinegar at iba pa. 

Pero alam niyo ba na nakakatulong din ang luya para masolusyunan ito? Tama, ang luyang paborito nating ilagay sa sabaw at paggigisa ay nakagagaling din ng balakubak! 

Mayroon itong anti-inflammatory at antiseptic properties na siyang makatutulong sa pagtanggal ng pabalik-balik na balakubak. 

Pagsamahin lang ang tatlong kutsarang di­nurog na luya at apat na kutsara ng jojoba oil. 
Pagkatapos nito ay ilagay ang mixture sa anit at masahihin. 
“This treatment is ideal to use overnight. Just wear a plastic cap secured with a comfortable head wrap and rinse out with shampoo in the a.m.” 

ESSENTIAL OILS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with