Beauty Trends sa 2020
(Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Darating na naman ang bagong taon. At dahil dito, tiyak na marami ang interesadong malaman ang iba’t ibang beauty trend na papatok sa 2020.

Ngayong taon ay pumatok ang dewy look o yung makintab na make up. Patok pa rin naman next year ang dewy at ganun din ang matte na mukha.

Marami pa ring makeup artist ang tiyak na mas gagamit ng highlighter.

Ang kakaiba naman sa susunod na taon ay ang pagpatok ng neon colors bilang eyeshadow. Sinasabing ito ang “in” next year. Ganun din ang colored mascara.

Kung ang eyeshadow ninyo ay blue, sinasabing mas magiging appealing ito sa mata kung dark blue rin ang gagamiting mascara.

Puwede ring subukan ang watercolor eyeshadow o ‘yung light lamang na paglalagay ng eyeshadow sa mata na parang watercolor ang effect.

Red lipstick ang patok ngayong taon pero sa 2020, sinasabing mas “in” ang bright-pink lipstick.

BEAUTY TRENDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with