Christmas gift para kay mister
(Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Sino bang hindi love ang Christmas shopping? Ilang linggo nang naghahanap ng tamang regalo para sa particular na tao o sa pamilya. Pero bakit pagdating kay husband sa isang banda ay karaniwang na-stuck sa kung saan. Ang hirap naman kasi hanapan ng regalo ang lalaki. Siyempre bukod sa four-wheel o malaking motorbike ay wala nang ibang gusto pa ang mga mister.

Paano nga ba i-express ni misis kung gaano kahalaga si mister sa kanyang buhay? Ang totoo, sapat na sa mga lalaki na maging involve sa kanyang passion. Kung si mister ay avid fan ng outdoor sports, pangingisda, hunting, pag-golf, o lahat ng mga bagay ay love nitong gawin.

Maging bahagi rin ng  mundo ni mister. Magplano na minsan na samahan o panoorin si mister sa kanyang game. Anoman ang hobby ni mister ay respetuhin at hangaan ito. Sa mga lalaki ang respect at admiration ay katumbas ng love. Paano nga ba ireregalo ang respeto kay mister ngayong Christmas? Pasalamatan si mister sa pangunguna nito sa inyong pamilya at huwag kalimutan na suportahan ito sa kanyang passion sa buhay.

Ang isa pang katotohanan, higit sa material na bagay mas gusto ni mister ang sex. Mas type ni hubby ang physical affection kaysa sa mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. Ang pinakamadaling regalo ay isilid ang sarili ni misis sa box na i-hang ang mistletoe sa iyong bedroom sa buong taon. Upang paalalahan si mister na ikaw ay attractive sa nag-iisang lalaki na nagpapaligaya sa kanya.

Hindi kailangang hintayin ang Christmas Day upang ipadama ang  pagmamahal kay mister. Bagkus gawing all year around na ipamalas ang pagmamalasakit at pagsisilbi sa iyong asawa.

CHRISTMAS GIFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with