Pomelo nakakakinis ng balat
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Ang pinakamalaking miyembro ng citrus family ay ang suha. Mas makapal din ang balat nito. Samantala, matamis naman ang laman nito at juicy ang pulp.

Sikat ang pomelo sa Asian cuisine dahil ma­raming recipe kung saan puwede itong isahog. Pinakasikat na masasabi ay ang pomelo salad. Pero alam n’yo bang marami rin pala itong benepisyo sa ating kutis? 

May taglay na Vitamin C ang prutas na ito na siyang tumutulong sa deve­lopment ng collagen kaya naman kung ikaw ay may sugat ay mas madali itong gagaling. Nakatutulong din ang bitamina na ito para gumanda ang kalusugan ng ating gilagid. 

Ang pomelo tulad ng grapefruits ay may taglay na spermidine na nagpoprotekta sa ating cells upang mapabagal nito ang pagtanda ng ating kutis. Binabawasan nito ang appearance ng wrinkles kaya naman mas magmumukhang bata at banat ang face ng mga mahilig kumain nito. 

Kaya naman perfect na salad ang pomelo o kaya naman inumin ang pomelo juice.

POMELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with