Ang misteryo sa daang hari
(Pang-masa) - July 22, 2018 - 12:00am

Noon pa man ay napakarami na raw kababalaghan ang nangyayari sa Daang hari, pero ‘di akalain ng isang netizen na sila mismo ng mga kaibigan niya ang makararanas nito.
Ibinahagi niya sa social media ang nangyari sa kanila sa nasabing daanan.

Ayon sa ‘di nagpakilalang sender ng kuwento, alas-dos na noon ng madaling araw at pauwi na sila ng mga kaibigan niya galing sa isang party. Napagpasyahan ng sender na magpasundo siya sa kanyang kapatid dahil hindi na sila kasya sa sasakyan ng kaibigan niya.
Magkasunuran lang sila ng mga sasakyan, pero ‘di na niya namalayan na wala na pala sa harap nila ang kotse ng mga kaibigan. Marahil ay nauna na.

Tumingin siya sa oras at nagulat siya nang makita na alas dos pa rin ng madaling araw. Napatingin siya sa labas at napansing parang paulit-ulit na lang ang nadadaanan nila. Tinanong na niya ang kapatid at sinabing parang naliligaw na raw sila. Alas dos din ang oras sa cell phone ng kanyang kapatid.

Parang huminto raw ang mundo nila nang makitang may sakay na silang matanda sa likuran ng kanilang sasakyan. Tila may hawak ng kung ano at nakangiti habang papalapit ng papalapit sa kanila.
Nagdasal na lamang daw sila ng mga panahong iyon at laking pasasalamat nila ng ilang sandali lang ay nawala na ang matanda at nakaalis na rin sila sa nasabing daan.
Alas-kwatro na ng sila ay makauwi.

Kinabukasan, ibinalita sa TV ang isang puting sasak­yan, patay lahat ng sakay at talagang yupi ang harapan.
Sasakyan ito ng kanyang mga kaibigan.

 

DAANG HARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with