^

PSN Palaro

Celtics swak sa NBA Finals

Pilipino Star Ngayon
Celtics swak sa NBA Finals
Ipinasok ni Derrick White ang tie-breaking 3-pointer sa huling 43 segundo sa 105-102 paglusot ng Boston sa Indiana sa Game Four ng kanilang conference finals.

INDIANAPOLIS — Tuluyan nang kinumpleto ng Cel­tics ang 4-0 sweep sa Indiana Pacers sa kanilang Eastern Conference championship series papasok sa NBA Finals.

Ipinasok ni Derrick White ang tie-breaking 3-pointer sa huling 43 segundo sa 105-102 paglusot ng Boston sa Indiana sa Game Four ng kanilang conference finals.

“We feel confident, we feel comfortable in any type of game, and we feel we’ve got answers for anything at us,” sabi ni White na tumapos na may 16 points kasama ang 1-of-8 shooting sa 3-point line. “We’ve just got to find the right ones.”

Ito ang ikalawang NBA Finals appearance ng Celtics sa huling tatlong seasons at haharapin ang mananalo sa Western Conference finals series ng Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves.

Bitbit ng Mavericks ang 3-0 lead sa Timberwolves.

Kumamada si Jaylen Brown ng 29 points at hinirang na conference finals MVP, habang humakot si Jayson Tatum ng 26 points, 13 rebounds at 8 assists.

Naglista si Andrew Nembhard ng 24 points, 10 assists at 6 rebounds para sa Pacers at may 19, 15 at 14 markers sina Pascal Siakam, T.J. McConnell at Aaron Nesmith, ayon sa pagkakasunod. Naimintis ni Nembhard ang panabla sanang triple.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with