^

PSN Palaro

Ginebra ikakasa ang Finals showdown sa SMB

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra ikakasa ang Finals showdown sa SMB
Magtutuos ang Gin Kings at Bolts ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Six ng Season 48 PBA Philippine Cup semifinal round sa Smart Araneta Coliseum.
PBA Image

MANILA, Philippines — Gusto nang tapusin ng Barangay Ginebra ang kanilang semifinals series, habang determinado ang Meralco na makahirit ng ‘sudden death’.

Magtutuos ang Gin Kings at Bolts ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Six ng Season 48 PBA Philippine Cup semifinal round sa Smart Araneta Coliseum.

Inagaw ng Ginebra ang 3-2 lead matapos kunin ang 89-84 panalo sa Meralco sa Game Five noong Linggo na naglapit sa kanila para sa ika-31 finals appearance target ang pang-16 korona.

“We just try to grind wins out, that’s what we are trying to do in this series,” ani coach Tim Cone sa Gin Kings na inangkin ang dalawang sunod na panalo matapos ilista ng Bolts ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven semis showdown.

Ang mananalo sa duwelo ang lalaban sa San Miguel sa best-of-seven championship series.

Nauna nang kinumpleto ng Beermen ang 4-0 sweep sa Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang sariling semifinals duel.

Sakaling makatabla ang Meralco at makahirit ng Game Seven sa Ginebra ay gagawin ang ‘winner-take-all’ match sa Biyernes sa San Jose, Batangas.

“Those are things that are I always try to tell the team that it’s totally out of our control,” ani Cone. “If we have to go to Game Seven, then we will do the best we can to make it as smooth as we can in terms of getting there, getting prepared, and understanding the game and doing what needs to be done.”

Sina Christian Standhardinger, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Maverick Ahanmisi at Ralph Cu ang muling aasahan ng Gin Kings katapat sina Chris Newsome, Chris Banchero, Allein Maliksi, Cliff Hodge at Raymond Almazan ng Bolts.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with