^

PSN Palaro

Bacyadan umusad sa World Olympic qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumapit si Hergie Bacyadan sa inaasam na tiket sa Paris Olympics matapos umabante sa 2nd World Olympic Qualification Tournament na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Matikas ang panimula ni Bacyadan upang matamis na angkinin ang 5-0 unanimous win laban kay Dunia Martinez ng Spain sa first round ng women’s 75kg event.

Ang Top 4 boxers sa kaniyang dibisyon ay awtomatikong mabibiyayaan ng tiket sa Paris Olympics.

tanging sina Bacyadan at Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam (men’s 57kg) na lamang ang natitirang Pnoy boxers sa Olympic qualifiers.

Nakatakdang sagupain ni Paala si Shukur Ovezov ng Turkmenistan Martes ng gabi.

Mas mahirap ang daan ni Paalam dahil kailangan nitong makapasok sa third place upang makasungkit ng puwesto sa Paris Games.

Nais ni Paalam na ma­ka­kuha ng return ticket sa Olympics matapos itong magkasya sa pilak noong 2021 Tokyo Olympics sa Japan.

Hindi naman pinalad sina Rio Olympian Rogen Ladon (men’s 51kg) at Criztian Pitt Laurente (men’s 63.5kg) na umabante matapos yumuko sa kani-kanyang karibal sa magkaibang dibisyon.

Sa kasalukuyan, may tatlong Pinoy boxers na ang nakapasok sa Paris Games.

Unang sumungkit ng silya si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong nakaraang taon.

Kasama nito sina Tokyo Games silver medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas na nakapasok sa Paris Olympics sa 1st World Olympic Qualification Tournament na ginanap sa Italy.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with