^

Pang Movies

Kylie, inuunti-unti ang paglantad sa bf

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, inuunti-unti ang paglantad sa bf
Kylie Padilla

Makikita sa mga post ni Kylie Padilla na nag-e-enjoy pa rin siya sa kanyang bakasyon sa Japan.

Marami ang nagtatanong kung sino ang kasama niya sa pamamasyal pero may hint siya na ang mga litrato niya ay kuha ng kanyang rumored boyfriend.

“Through his lenses,” caption niya sa isa sa kanyang mga post na tila nagpapatungkol sa kanyang mystery guy.

Sumagot pala siya sa isa sa mga komento sa kanyang post “‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” na tila tungkol sa kasama niya sa kanyang bakasyon.

Meron din siyang ibinahaging litrato nila na nakatalikod na mukhang inuunti-unti na ng anak ni Robin Padilla ang paglantad sa boyfriend na diumano’y tattoo artist.

Komento nga ng isang netizen, hindi mahalaga kung sino man ang kasama niya, mapa-babae man o lalake dahil ang importante ay masaya siya.

Pero hindi lang pala ito ang nakasama niya roon kundi pati ang kanyang kapatid na si Queenie Padilla na kanyang binahagi ang litrato nila.

Lutang ang saya ni Kylie sa kanyang pamamasyal. Lalo na nga nang bisitahin niya ang The Making Of Harry Potter Tokyo museum na isa raw sa kanyang happy pills. Meron nga raw ito palaging special place sa kanyang puso at siguradong babalikan daw niya ito.

Deserved nga raw nito ang pahinga. Bongga.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with