^

Pang Movies

Jillian, ingat sa pagpo-post

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jillian, ingat sa pagpo-post
Jillian Ward

Ang bongga naman ni Jillian Ward na may 11.1 million followers sa TikTok at 4.2 million followers naman sa Instagram. 

Kaya naman daw ingat na ingat siya sa mga ipino-post sa social media dahil may kabataan na ginagawa silang role model bilang artista.

Hindi naman daw siya nakakaramdam ng pressure at ginagamit pa iyong gabay para mas maging mabuting ehemplo.

Ginagamit daw niya ang social media para mas mapalapit sa mga tagahanga niya na parang kaibigan na rin niya.

Kinukuwentuhan pa raw siya ng mga ito kung paano siya nagiging inspiras­yon sa kanyang show kaya tuwang-tuwa raw siya at nirereplyan ang mga komento ng mga ito at isa isang binabasa ang mga mensahe ng kanyang followers.

Hangga’t maaari nga raw ay gusto niyang maging ordinaryo o regular na tao dahil pinalaki naman siya ng mga magulang na hindi pinararamdam sa kanya na isa siyang artista.

Ayaw rin daw niyang ipasok sa kanyang ulo na artista siya at para sa kanya ay ang pinaka-purpose niya ay magpasaya ng mga tao.

Priceless daw talaga tuwing nagpe-perform siya para sa mga Kapuso gaya na lang nang bumisita sila ng mga katrabaho sa serye nilang Abot-Kamay na Pangarap sa Japan. Na-touch daw siya nang tawagin siya sa kanyang karakter bilang Doc Analyn ng fans.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with