^

Pang Movies

Rhys Miguel, idedemanda si Patrick Quiroz?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rhys Miguel, idedemanda si Patrick Quiroz?!
Rhys

Naka-off ang comment box ng latest post sa Instagram ni Patrick Quiroz, ito ay pagkatapos siyang akusahan ni Rhys Miguel ng pangmomolestiya. Kaya lang, open ang ibang comment box ng IG ni Patrick at doon nagko-comment ang netizens ng mga hindi kagandahang mga salita.

Nagbanta si Rhys na magdedemanda dahil kahit last year pa raw ito nangyari, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan. Mahaba ang video na marami ang nakapanood, kaya sumugod sila sa IG ni Patrick at tinanong ng sagot sa alegasyon ni Rhys. May nag-good luck at baka kasuhan nga siya.

Part ng sinabi ni Rhys sa video ay “Nangyari to sa’kin last year, ‘di pa rin ako okay. People keep saying why speak now? Why just now? It makes me sick... F—hell you guys don’t have any idea how hard it is to speak up. Honestly, it’s hard to speak up bec of people like you! The ones who keep blaming  the victims. Shame on you.”

Tanong ng netizens, kung totoo ang nangyari at gaya ng marami, naghihintay na magsalita si Patrick o ang management niyang Cornerstone. May mga nanghihinayang din dahil makakaapekto raw ito sa career ni Patrick, totoo man o hindi. Lalo na at nasa GMA 7 na siya, regular na yata sa All-Out Sundays at bini-build-up ang love team nila ni Thea Astley.

Ano nga ba ang totoo sa isyung ito? Ang daming naghihintay ng sagot ni Patrick o kaya’y update sa isyung sumambulat noong isang gabi.

Sunshine, wala ring paramdam sa birthday ni Macky

May mga nalungkot nang mabasa ang birthday greetings ni Sam Cruz kay Macky Mathay sa Instagram ni Macky. Post ni Sam, “happy birthday tito macky (may red heart emoji)” at sumagot si Macky ng “@samcruz thank you Sammy. I miss you and I love you.”

Binati rin ng pinsan ni Sunshine Cruz na si Donna Cruz si Macky, pero si Sunshine, hindi rin nagparamdam. Hindi rin nito binati ng happy birthday si Macky at pareho sila ni Heart Evangelista na hindi rin binati ng happy birthday ni Sen. Chiz Escudero.

May mga nagtanong nga na bakit hindi naging isyu ang hindi pagbati ni Sunshine ng happy birthday kay Macky, bakit si Heart, malaking isyu ang pangdedeadma sa birthday ni Chiz?

Bakit nga ba? Siguro dahil sa kaso nina Heart at Chiz, malabo pa rin hanggang ngayon ang kanilang status. Sina Sunshine at Macky, nalaman agad na break na sila.

Cassy, sinuportahan si Darren sa K-Love

Tuwang-tuwa ang shippers nina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa pagdalo ni Cassy sa premiere ng K-Love na kasama sa cast si Darren. Sabi ng fans, love talaga nito si Darren dahil nakasuporta sa project ni Darren and vice versa.

Walang ka-love team sa GMA 7 si Cassy, tapos na ang love team nila ni Joaquin Domagoso dahil may anak na ito at matagal na ang relasyon kay Raffa Castro. Kaya walang memo na matatanggap si Cassy from GMA Network.

Sa pagdalo nito sa premiere night ng K-Love, nagkita sila ni Iza Calzado at nakapagpa-picture pa na magkasama. Nagpasalamat si Iza sa suporta ni Cassy at nagpahayag si Iza na sana makatrabaho niya ito someday at ganu’n din ang wish ni Cassy.

Siyempre, may larawan din sina Cassy at Darren at bagay nga ang dalawa, sana nga magkaroon ng chance na magsama sila sa isang project. Sayang kasi ang chemistry at sayang ang fans kung hanggang socmed lang nila nasusuportahan ang dalawa.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with