^

Pang Movies

Boy at Rita, nagkaayos na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Boy at Rita, nagkaayos na!

Nagkausap na pala sina Rita Avila at Boy Abunda at maganda ang kanilang naging pag-uusap, nagkapaliwanagan at narinig ni Rita ang good words na sinabi ni Boy kay VP Leni Robredo. Sabi raw ni Boy, sabihin ni Rita sa mga tao na they both respect and love each other kahit anong mangyari.

Nabanggit pa ni Boy na mataas ang respeto niya kay Rita. Okay rin kay Boy na malamang siya ang tumawag kay Rita at ipinakita nito na puwedeng magrespetuhan ang magkaibigan.

May post si Rita sa Instagram at sabi, “ For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often. We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other or otherwise about relevant issues.

“Out of decency, I reached out to him and he returned the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world.”

Nagka-usap na rin siguro sina Boy at Edu Manzano at pati sina Nikki Valdez, Gabe Mercado at Jim Paredes. Ang mga nabanggit ay nagpahayag ng pagkadismaya sa pagka-cut ni Boy sa interview niya kay VP Leni.

Tweet ni Nikki, “Ang dami gusto sabihin ni VP... Hindi siya natatapos!!! Tito Boy, patapusin niyo naman... Let Ma’am speak please!!!”

Nag-tweet din si Edu ng “Leni deserves a lot more credit... Good job!”

Jak, ka-join nina Kylie at Rayver

Nag-zoom meeting na rin ang creative team at ilan sa cast ng Bolera, isa sa mga bagong primetime show ng GMA-7 at sa nakita namin, hindi lang si Rayver Cruz ang leading man ni Kylie Padilla. Sina Rayver at Jak Roberto ang makakapareha niya at kasama sa cast sina Gardo Versoza, Joey Marquez, at Jaclyn Jose. Si Dominic Zapata ang director ng tinawag na first sports drama ng GMA.

This year ang airing nito na ikinatutuwa ng fans ni Kylie.

Katuwa rin sina Jak at Barbie Forteza, lagi silang may project at hindi man magkasama sa mga kanilang ginagawa, ang importante pareho silang laging may project. Kung nag-iipon ang dalawa para sa kanilang magiging kasal o kaya magpapagawa ng bahay in the future, mabilis silang makakaipon.

Katatapos lang ni Jak ng Stories from the Heart  at si Barbie, airing pa ang Mano Po Legacy: The Family Fortune  and for sure, may mga susunod pang projects.

Mark, asawa at baby, nagka-COVID din

Pati pala sina Mark Herras at asawang si Nicole Donesa, nagka-Covid-19 din at sa interview kay Mark, nabanggit na pati ang 11-month old baby nilang si Corky ay nagka-Covid din. Unang nagkasakit ni Nicole and after two days, ang baby naman nila ang nagkasakit dahil nahawaan nila.

Kuwento ni Mark, nahirapang huminga si Corky  at naiyak daw siya sa awa sa bata na hindi naman makapagsabi kung ano ang masakit sa kanya. Pasalamat sina Mark at Nicole na after a week, nawala ang symptoms ni Corky at magaling na ito ngayon.

Pati sila ni Nicole, magaling na rin.

Extra careful na sina Mark at Nicole ngayon dahil ayaw nilang muling magkasakit si Corky na malapit nang mag-one year old.

Sarah, hindi kinakahiya ang stretch marks

Kabilang ang asawang si Richard Gutierrez sa nag-like sa Instagram post ni Sarah Lahbati  tungkol sa kanyang stretch marks. Sa pinost na photos, malinaw na makikita ang stretch marks na ayaw na raw niyang itago.

“I’m tired of hiding my stretch marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me awhile to accept that. My biggest insecurity.

“To love me fully.

“To fully accept me.

“I’ve always been ready to give all of me for my loved ones but never poured that same to myself.

“Took me some time to realize that my stretch marks are my best tattoos. A reminder that I am a strong and resilient woman whose been through a lot but most importantly, I’ve given birth to my two dearest sons, Zion and Kai. My angels. I am loved, understood & cherished by my husband. I couldn’t ask for anything more.

“This may sound dumb to you, but I just wanna let you know that you are enough and beautiful.

“I’m grateful to be alive, to be loved, messy, and to be fully myself.

“Wouldn’t have it any other way. Took awhile for me to get here. But here I am. Proud.”

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with