^

Pang Movies

Lovi, hindi pa naiisip ang engagement

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lovi, hindi pa naiisip ang engagement
Lovi

Tikom pa ang bibig ni Lovi Poe tungkol sa tsismis na aalis na siya sa GMA 7 at lilipat na sa ABS-CBN. Aniya sa virtual launch kahapon ng Imono Jewelry which she endorses, confidential pa raw ang lahat ng negotiations.

“I guess, I think it’s only fair to keep things private at this stage, and all negotiations are confidential at this very moment,” ang matipid na sagot ng aktres.

Kasalukuyang nasa US ngayon si Lovi pursuing her first love, which is music. And at the same time ay binibisita na rin niya ang boyfriend niyang si Monty Blencowe.

Ang lakas nga ng tawa aktres nang tanungin kung may wedding ring ba ang Imono Jewelry at kung ano ang kanyang dream marriage proposal. “I’ve never thought of proposal. Yeah, it never crossed my mind,” ani Lovi.

Samantala, Lovi has been Imono Jewelry’s brand ambassador since 2015 and for its spring, summer 2021 collection, ang aktres mismo ang nag-curate ng jewelries. “What I love Imono is that it wasn’t just like a kind of a brand endorsement. It was a collaboration more than anything,” ani Lovi.

Thankful ang aktres na part siya ng Imono for so many years now at aniya ay isa itong honor for her.

Sharon : ‘My heart isn’t okay’

Simple lamang ang naging selebrasyon ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng kanilang silver wedding anniversary last Wednesday, April 28.

Isang simpleng dinner lang ang pinagsaluhan nila ng pamilya since bawal naman ngayon ang malalaking selebrasyon.

Sa naturang dinner ay si KC Concepcion lang ang wala pero nag-usap naman silang mag-ina sa FaceTime na ipinost ni Megastar sa kanyang Instagram page.

Ani KC ay gustung-gusto niyang pumunta pero biglaan kasi ang dinner kaya hindi na rin siya naabisuhan. Sey ni Sen. Kiko ay hindi naman daw kasi sila talaga nagplano.

Sa video call nila ni KC ay iyak nang iyak si Megastar at tila may mabigat siyang pinagdaraanan talaga. Kino-comfort naman siya ni KC pati na rin ni Sen. Kiko. “My heart isn’t okay, but I’m okay,” ani Sharon sabay-iyak.

“I know. But Mom, it’s okay, there’s a reason for everything,” sabi naman ni KC.

Maririnig naman ang boses ni Sen. Kiko na katabi lang ni Shawie. Sey niya, “God is in charge, God has a plan.”

Recently ay nababanggit-banggit nga ni Shawie sa kanyang mga post na malungkot siya at may mabigat na pinagdaraanan pero hindi naman niya sinasabi kung ano.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with