^

Pang Movies

Inigo at Maris, nag-look test para sa teleserye NG TV5

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Inigo at Maris, nag-look test para sa teleserye NG TV5
Inigo at Maris

Ang story confe­rence at look-test shoot kahapon ng Stay In Love. Ang Stay In Love ay ang teleserye ng mag-ex na sina Inigo Pascual at Maris Racal para sa TV5.

Wow, ang bongga rin, more shows ang TV5, huh! Siyempre, more shows na rin ang ABS-CBN para sa kanilang Kapamilya Channel.

May The House Arrest of Us pa sila na produced naman ng Star Cinema at pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na digital movie series.

Aabangan naman bukas ang virtual media confe­rence ng Brightlight Productions big boss na si Mr. Albee Benitez kasama si Korina Sanchez at ang cast ng Sunday Kada Kada Sunday.

Si Albee ang dating congressman na itinuturing na pinaka-bigtime blocktimer ng TV5 ngayon!

Sarah at Richard, bumawi 

Dahil nasa Balesin Island para sa advance birthday celebration ni Sarah Lahbati noong weekend, bumawi kahapon si Richard Gutierrez at ang kanyang pamilya at dumalaw kahapon sa parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa White Plains house nila. Kapag weekend ang family bonding nila. Mukhang alam nina Richard at Sarah na sad sina Tito Eddie at Bisaya noong weekend dahil wala sila, kaya kahapon, doon sila nag-stay maghapon.

Kasama nina Tito Eddie at Bisaya sa bahay nila sina Elvis at Alexa, pati ang mga apong sina Aria at Ezra, pero sumama rin sa Balesin Island ang mga ito.

Jodi, may bagong negosyo

Nagtayo ng bagong negosyo sina Niño Bautista at Red Gatus ng Cosmo Skin at Cosmo Cee. Pero ibang kompanya raw ang Healthyfix Store sa BARGN company nila. Bale kasosyo nila sa bagong kompanya si Jodi Sta. Maria. Ilo-launch na ang nasabing kompanya at malalaman sa kuwento ng tatlo kung bakit nila naisipang magsosyo sa isang negosyo. May virtual presscon sila next week.

Ang daming mga celebrity ngayon ang nagtatayo ng negosyo. Ilang stars pa ang nakatakdang mag-launch ng kanilang mga negosyo. Sa panahon talaga ng COVID-19 pandemic, hindi basta tumigil ang ikot ng mundo ng maraming mga celebrity.

Teka! Mag-isip na rin tayo ng puwedeng maging negosyo, Ateng Salve! ‘Yun na!

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with